KALABOSO! | High profile Korean scammer, arestado ng BI

Paranaque City – Isang trenta y tres anyos na high profile Korean scammer ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Paranaque City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Lim Jong Keon ay sangkot sa apatnapung krimen sa South Korea.

Si Lim ay kabilang sa most wanted criminals sa Korea dahil halos apat na raang kababayan niya ang naging biktima nito.


Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, racket ni Lim ang mangolekta ng pera para sa smart phones subalit wala naman itong naibibigay na units.

Ang naturang fugitive ay agad na ide-deport ng Bureau of Immigration (BI) alinsunod na rin sa kahilingan ng Korean Embassy.

Facebook Comments