Manila, Philippines – Arestado ang isang inspector ng isang security agency matapos mahulihan ng shotgun sa loob ng kanyang sasakyan sa IBP road, Barangay Batasan, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Enriqueto Flores ng Safe Force Security Investment Investigation Agency.
Nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng MMDA nang masita ang kulay gray na mirage ni Flores.
Depensa naman ng suspek, hindi niya alam na may baril sa kanyang sasakyan.
Binigyan siya ng 24 na oras ng QCPD station 6 para maglabas ng dokumento, dahil kung hindi, mahaharap siya sa kasong paglabag sa gun ban na umiiral ngayong panahon ng eleksyon.
Facebook Comments