KALABOSO | Isa sa mataas na lider ng NPA, naaresto ng militar at pulisya sa Butuan City

Butuan City – Arestado ang isa sa mataas na lider ng New Peoples Army matapos ang ikinasang operasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Phillippines sa Emenville Subdivision Barangay Ambago Butuan City kahapon.

Ayon kay Captain Al Anthony Pueblas ang tagapagsalita ng 402nd Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army alas-12:40 ng hating gabi kahapon nang maaresto ang NPA lider.

Kinilala itong si Nerita Calamba De Castro 55 anyos, kilala sa mga alyas na Neneng/Nening at Nora.


Si De Castro ay nagsisilbing bagong pinuno ng Finance of Komisyon Mindanao matapos maaresto si Leonida Guao nitong buwan ng Pebrero sa Barangay Bading Butuan City.

Bukod sa pagiging pinuno ng Finance of Komisyon ng Mindanao natukoy rin ng militar si De Castro na nagsilbi bilang Secretary ng Regional White Area Committee ng North Eastern Mindanao Regional Committee.

May kinakaharap rin itong kasong murder.

Umaasa naman ang militar na makikipagtulungan si De Castro para matukoy pa ang mga kilalang supporters ng NPA

Facebook Comments