KALABOSO | Isang babae, arestado sa pagnanakaw ng mga barya sa pisonet sa Sta. Mesa, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang isang babae matapos na limasin ang mga barya sa loob ng isang pisonet computer shop sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakakulong na sa Manila Police District-Police Station 8 ang suspek na si Ronalyn Mae Enguerra, na residente Buenos Aires Street sa Sta. Mesa.

Ang suspek ay inireklamo ng biktimang si Emmanuel Palino kung saan nadiskubre ang ginawang pa­gnanakaw nang review-hin ang nakakabit na CCTV camera sa pisonet shop.


Nadakip ang suspek sa kanilang bahay pero hindi na nabawi ang mahigit sa P300.00 na barya dahil ipinambili na ito ni Ronalyn ng sabon panglaba at pagkain.

Facebook Comments