KALABOSO | Isang babae sa Cebu, arestado matapos tangkain manuhol sa mga pulis

Cebu – Arestado ang isang 47 anyos na babae matapos na tangkain manuhol sa mga pulis para mapalaya ang isang drug suspect sa Cebu.

Nakilala ang nadakip na si Yvonne Lyra Grandea Ho.

Sa ulat, tinangkang suhulan ng suspek ang mga pulis na sina P02 Edgar Delos Santos at P01 Nickson Miranda ng 20,000.00 pesos para palayain ang naaresto nilang drug suspect na si Crisreb Padilla Chavez.


Hindi naman naitanggi ng ginang ang ginawang panunuhol lalo na at kitang-kita sa CCTV ang ginawa nito.

Sinabi din ng suspek na inutusan lamang siya ng mga magulang ni Chavez na dalhin ang pera at makipag-transaksiyon sa mga pulis para mapalaya ang kanilang anak.

Facebook Comments