Rizal – Timbog ang isang babae sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Kinilala ang suspek na si Marlyn Datalio nakatira sa Taguig City at nakulong na noong 2013 dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.
Narekober mula kay Datalio ang isang malaking plastic sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 50 gramo at 10 maliliit na sachet ng shabu na tig limang gramo kung saan sa kabuuan ay nagka-kahalaga ito ng ₱680,000.
Sa ulat, muling minonitor ng mga otoridad si Datalio matapos makatanggap ng ulat na bumalik ito sa kalakaran ng iligal na droga, partikular sa Taguig at Taytay, Rizal.
Nabatid na lumalabas sa imbestigasyon na ginagamit si Datalio bilang drug courier ng isang big time drug syndicate sa Taguig City.
Facebook Comments