KALABOSO | Isang binata, bugbog sarado matapos mang-agaw ng cellphone sa Pasay City

Pasay City – Arestado ang isang binata matapos mang-agaw ng cellphone para ipalit ng pera pang-sugal sa Maricaban, Pasay City.

Sa ulat, bugbog sarado ang suspek na si Christian Ecaonapo, 19-anyos matapos agawin ang cellphone ng biktimang Kyle Hendrison Jimenez.

Ayon sa suspek, target talaga niya ang wallet ng biktima pero ang cellphone ang nahablot nito kung saan inihagis naman niya ito pabalik subalit nakorner siya ng mga kapitbahay saka pinag-piyestahan bugbugin.


Aminado ang suspek na wala siyang pera pang-sugal kaya at nagawa ang krimen.

Napag-alaman pa na tatlong taon nang nalulong sa paglalaro ng “cara y cruz” ang suspek at palagi itong natatalo ng P1,000 kada araw.

Facebook Comments