KALABOSO | Isang guro sa Zamboanga del Sur, arestado matapos magputol ng mga punongkahoy na walang permiso

Zamboang del Sur – Arestado ang isang guro sa bayan ng Molave Lalawigan ng Zamboang del Sur matapos na magputol ng mga punongkahoy na walang permiso.

Kinilala ang nasabing guro na si Marlita Caralos, 59-anyos, at residente ng Barangay Cabgan ng nasabing lungsod.

Nadakip ang guro sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Tambulig Municipal Police sa Purok 3, Barangay Happy Valley, Molave.


Bukod dito, mahaharap din si Caralos sa kasong malicious mischief at pansamantala siyang nakakulong sa detention cell ng Tambulig Municipal Police Station.

Facebook Comments