KALABOSO | Isang Iranian national, arestado dahil sa pag-hack nito sa system ng dati nitong pinapasukang kumpanya

Cebu City – Arestado ang isang Iranian national dahil sa pag-hack nito sa system ng dating pinapasukang kumpanya sa Cebu City.

Sa ulat ng PNP Anti-Cybercrime Office-Central Visayas, hinack ng suspek na si Shanin Shateri ang system sa dati nitong kumpanya at dinownload ang lahat ng data ng mga kliyente.

Nagpadala rin ng mga mensahe ang suspek para sirain ang reputasyon ng dati niyang pinapasukang trabaho.


Nabatid na sinibak sa trabaho ang dayuhan bilang operation manager dahil sa reklamo ng mga kanyang mga katrabaho.

Narekober mula sa nirentahang bahay nito ang laptop na siyang ginamit sa pag-hack kasama na ang files ng mga naturang kliyente.

Facebook Comments