Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos i-blackmail ang dati nitong live-in partner sa Quezon City.
Sa ulat, nagbanta ang suspek na si Billy Nillas na sisiraan at ipapakalat ang mga hubad na larawan ng 24-anyos na biktima sa social media kung hindi ito papayag na makipagtalik.
Bukod dito, hindi din ibabalik ng suspek ang mga gamit ng biktima kapag hindi natuloy ang kaniyang plano.
Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa mga otoridad kung saan nasakote ang suspek sa ikinasang entrapment operation.
Facebook Comments