KALABOSO | Isang lalaki na naglalaro ng dice, nahulihan ng shabu ng Makati City

Makati City – Kalaboso ang isang lalaki matapos na magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PCP 7 ng Makati Police Station sa Barrio Visaya Street, Barangay Guadalupe Nuevo.

Nakilala ang suspek na si Nilo Penpena, 52-anyos, isang aircon installer at residente sa nasabing barangay.

Isang concerned citizen ang tumawag sa mga pulis hinggil sa mga naglalaro ng dice kung saan agad itong pinuntahan ng mga tauhan ng PCP 7.


Nang kapkapan ang suspek nakuha sa kanyangang isang maliit na sachet ng shabu.

Inaalam naman ngayon sa suspek kung sino ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments