KALABOSO | Isang lalaki, timbog sa isinagawang anti-criminality patrol ng MPD

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa Parola Compound Barangay 20 Zone 2 Tondo, Maynila sa isinagawang anti-criminality patrol ng Manila Police District (MPD).

Base sa imbestigasyon, naaktuhang nagbebenta ng hinihinalang shabu ang suspek na si Frederick Lopez, 39-anyos at residente rin sa lugar.

Nakuha mula sa pangangalaga ng suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng dalawang libong piso.


Nananatili ngayon ang suspect sa MPD Station 2 at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments