KALABOSO | Isang lalaking may 80 counts ng rape, arestado sa Taguig

Taguig City – Kalaboso ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa dalagitang kapatid ng kaniyang live-in partner sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Franz Ferrer na nahaharap sa 80 counts ng rape at 40 counts ng sexual harassment.

Ayon kay Makati Police Chief Superintendent Rogelio Simon, ginawa niyang sex slave sa loob ng tatlong taon ang biktima.


Aniya, nagsimulang gahasain ng suspek ang biktima noong siya ay siyam na taong gulang pa lang at ginagawa niya ito tuwing naiiwan sa kaniyang pangangalaga ang biktima.

Facebook Comments