Manila, Philippines – Arestado ang isang menor de edad na pusher at apat na iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Nakilala ang 14-anyos na suspek sa alyas na “Jojo” na aminadong nagbebenta ng marijuana.
Kasama rin sa mga nahuli ang kasintahan ni Jojo at isang pang menor de edad kung saan nakilala naman ang iba pang suspek na sina Joseph Martinez, Mariella Jane Dela Cruz at Froilan Peroche.
Narekober sa mga suspek ang nasa apat na kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng humigit kumulang P464,000, isang timbangan at buy-bust money.
Facebook Comments