KALABOSO | Isang negosyante, arestado sa kasong estafa sa Makati City

Makati City – Nakakulong na ngayon ang 49-anyos na negosyante matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Grace Belardo na may kasong estafa.

Nasakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Evangeline C. Castillo-Marigomen ng Regional Trial Court, branch 101 ng Quezon City.


Inaresto nila si Belerdo sa mismong bahay nito sa Orchid Tower, Oriental Garden sa Chino Roces Avenue sa Makati kung saan nakuha nitong lokohin at tangayin ang pera ng ibang tao maging ang kaniyang mga kaibigan na ilalagak daw sa isang negosyo pero walang nangyari.

Facebook Comments