KALABOSO | Isang OFW, arestado sa pagpapakalat ng nude pictures ng kaniyang ex girlfriend

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos ikalat ang nude pictures ng dati niyang nobya.

Ayon sa biktimang si alyas “Karen”, ipadala ng dati niyang nobyo na si Alex Sanchez ang kanilang hubad na larawan sa kaibigan ng kinakasama niya.

Aniya, binabantaan siya ng suspek na tuluyang ikakalat ang lahat ng malalaswa nilang larawan sa social media kung hindi ito makikipagbalikan.


Kuwento naman ni Sachez, isang taon silang naging magnobyo sa Qatar bilang OFW, kahit kasal na siya at may nobyo naman ang biktima.

Inamin din ni Sanchez na ikinalat niya ang larawan bilang ganti nang balikan ng biktima ang kaniyang kinakasama.

Nagsisisi umano si Sanchez lalo at hiniwalayan na rin siya ng kaniyang asawa.

Sa kulungan ang bagsak ni Sanchez dahil sa paglabag sa Violence Against Women and Children Act at Anti-Cybercrime Law.

Facebook Comments