KALABOSO | Jail officer na no. 1 sa target-list drug personality ng PDEA at kaniyang misis, arestado sa Davao region

Compostela Valley – Natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang jail officer na number one sa drug personality kasama na ang kaniyang misis sa isang operasyon sa Compostela Valley.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga arestado na sina Roy del Socorro Aguinaldo at Maria Myrlene Rejuso.

Hindi na nakapalag ang mag-asawa nang salakayin ng pinagsanib na puwersa PDEA Regional Office XI at Compostela Valley Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit ang kanilang bahay sa Purok Mabuhay 2, Binuangan, Maco, Compostela Valley.


Nakumpiska sa bahay ng mag-asawa ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo at may street value na Php45,000.00, dalawang maliit na plastic sachets na may lamang shabu.

Kakasuhan ang mag-asawang Aguinaldo ng paglabag sa Section 5 Sale of Dangerous Drugs, Section 11 Possession of Dangerous Drugs, Section 15 Use of Dangerous Drugs, Section 26 Conspiracy and Section 28 Criminal Liability of Government Officials and Employees, Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments