Manila, Philippines – Naaresto ng Bureau of Immigration ang 48 anyos na Koryanong tumakas sa kanilang bansa para maka-iwas sa pagkakakulong matapos mahatulan sa kasong swindling sa Korea.
Kinilala ang Korean national na si Chong Won Sok.
Hinuli si Chong sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng immigration bureau dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien
Ayon sa Bureau of Immigration , dumating sa bansa si Chong noong March 2017 para magtago.
Pinoproseso na ang pagblacklist sa Koryano at ang deportation procedure laban sa kanya para harapin ang kanyang sentensya sa kanilang bansa.
Facebook Comments