KALABOSO | Lalaki, arestado makaraang mahulihan ng shabu matapos magwala sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga matapos magwala sa Purok 5, PNR site, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat, nawala ang tapang ng suspek na si Ivan Neyo nang dumating ang mga pulis at arestuhin ito.

Nabatid na nakatanggap ng sumbong ang mga pulis hinggil sa nagwawalang lalaki na may dalang itak sa lugar kaya pinuntahan nila ito.


Pagsapit sa lugar, inabutan nila si Ivan kung saan nakuha mula rito ang isang bolo at isang plastic sachet ng shabu.

Facebook Comments