Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaking matapos ireklamo ng kaniyang kausap sa Facebook na tumangay ng pera nito.
Nahaharap ngayon sa kasong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek na si Jason Rabe.
Ayon sa biktima, paulit-ulit siyang hiningan ng pera ni Rabe mula pa noong nakaraang taon.
Ikinuwento aniya ni Rabe na kailangan niya ng perang pang-ospital sa kapatid at kamamatay lang din daw ng mga magulang at isa pa niyang kapatid.
Umabot sa ₱4 milyon ang naibigay ng biktima kay Rabe, kasama rin ang investment sa umano ay negosyo.
Pero natuklasan ni Dale nang mag-imbestiga na hindi totoo ang sinasabing negosyo ni Rabe, na nakilala lang niya sa Facebook.
Lumabas din sa imbestigasyon na gawa-gawa lang ang madramang kuwento ni Rabe.
Paalala naman ng NBI sa publiko na huwag agad magtiwala sa mga nakikilala at nakakausap sa internet.