KALABOSO | Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng chocolate at alak sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Sa kagustuhang magkaroon ng puhunan, timbog ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng alak at tsokolate sa isang convenience store sa G. Tuazon sa Sampaloc, Maynila.

Aminado ang suspek na si Luisito Santos sa nagawa at sinabi nitong ibinebenta niya ang mga items na ninakaw sa mas murang halaga para puhunan para sa muling makapag-tinda ng at laruan pambili ng gatas ng kaniyang anak.

Iginiit din ng suspek na kaya at alak at chocolate ang kanyang ninanakaw dahil mas madali daw itong itago sa bulsa at mabilis maibenta.


Aabot sa mahigit P500.00 ang halaga ng tatlong alak at anim na tsokolate na ninanakaw ng suspek.

Facebook Comments