KALABOSO | Lalaki huli sa pagnanakaw sa mall sa Makati

Makati City – Timbog ang isang lalaki matapos magnakaw sa loob ng mall sa Poblacion, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Arnold Espera, 44 taong gulang at residente ng Pasig City.

Ayon sa Makati pulis, pinasok ng suspek ang dalawang establishimento na nasa loob ng venue mall.


Kwento ng isa sa mga biktima na si Abner Villa Nueva, nagtapon lang siya noon ng basura nang mawala ang kaniyang tablet sa table counter.

Tinangay naman ng suspek ang bag sa loob ng isang bar pero agad siyang inaresto matapos makita ng manager.

Hindi naman na nabawi ang mga nanakaw na gamit ng suspek na posibleng naipasa na nito sa kaniyang kasamahan.

Facebook Comments