Pasig City – Arestado sa kasong rape ang number 1 most wanted person sa San Miguel Avenue, Barangay San Miguel, Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Ronald Russel Santos, 30 anyos.
Taong 2016 nang kasuhan si Santos dahil sa panggagahasa sa 15 anyos na dalagita.
Ayon kay EPD Chief Senior Superintendent Orlando Yebra Jr., ikinasa nila ang operasyon matapos makatanggap ng tip na bumalik sa kanilang bahay ang suspek dahil nanganak ang kanyang asawa.
Tumanggi nang magsalita ang suspek.
Facebook Comments