KALABOSO | Lalaki na sangkot sa kidnaping incident sa Zamboanga del Sur, arestado

Zamboanga del Sur – Arestado ang isang lalaking kilabot na miyembro ng criminal group na sangkot sa mga insidente ng kidnapping sa Zamboanga del Sur.

Nakilala ang suspek na si Esmael Jamarol Halid.

Nasakote ang suspek sa may Purok Tula-Tula, Barangay Tarakan, Dinas ng naturang lalawigan kung saan wanted din ito sa mga kasong qualified theft at malicious mischief.


Nakuha mula sa kanya ang isang hindi lisensiyadong caliber .45 pistol, magazine at mga bala.

Facebook Comments