KALABOSO | Lalaking isinabay sa graduation ang pagnananakaw sa isang eskwelahan sa Quezon, timbog

Quezon Province – Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw sa loob ng isang faculty room kasabay ng graduation sa isang paaralan sa Lucena, Quezon.

Nakunan pa ng CCTV camera ng paaralan ang pagpasok ng suspek na si Arnold Ambrosio, 22 anyos, sa loob ng faculty room kung saan nito tinangay ang ilang mga cellphone, wallet at iba pang gadgets ng mga guro na abala noon sa graduation.

Bago ang insidente, nasangkot na rin pala si Ambrosio sa nakawan sa isang ospital at kilala rin sa pananalisi sa mga burol tuwing madaling-araw.


Naaresto si Ambrosio ng mga pulis dahil sa isang drug buy-bust operation kung saan narekober ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Humingi ng tawad ang suspek sa mga nabiktima niyang guro pero iginiit niya na hindi siya nagbebenta ng ilegal na droga.

Facebook Comments