KALABOSO | Lalaking may kasong murder at iligal na droga, arestado sa Butuan City

Butuan City – Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki na nahaharap sa kasong pagpatay at iligal na droga matapos itong maaresto sa Barangay Babag, Butuan City.

Nakilala ang nadakip na si Jorge Conrad San Juan.

Nabatid na matagal nang pinaghahanap si San Juan pero palipat-lipat ito ng bahay kaya At hirap na matunton ng mga pulis.


Tyempo naman na bumalik si San Juan sa dati niyang tinitirhan sa Barangay Agusan Piqueño kung saan agad siyang isinumbong ng mga residente doon at dito na siya nasakote.

Facebook Comments