Manila, Philippines – Nasakote ng mga tauhan ng Inter Agency Council for Traffic o I-ACT ang suspek na namamahala umano ng malaking illegal terminal ng mga colorum na van at AUV sa Caloocan City.
Ayon kay Highway Patrol Group Director Chief Supt. Roberto Fajardo ang suspek ay kinilalang si Alberto Bacalzo.
Aniya nabuking nila ang illegal terminal ng mga colorum ni bacalso batay na rin sa mga reklamo at ginawa nilang surveillance.
Istilo ni Bacalzo hihingan ng 80 thousand pesos ang mga driver operator para magamit nila ang terminal at bilang protection money laban sa mga panghuhuli.
Nasa 30 colorum operator na aniya ang naloko ni bacalso matapos na makapagbayad dito ng tig 80 thousand pesos
Ruta ng mga colorum na van at auv ang Caloocan Patungo sa SM Fairview at Robinsons Fairview.
Desidido naman ang iact na magsagawa n malalim pang imbestigasyon para malaman kung may mga kasabwat na otoridad si bacalso dahil sa ipinapangako nitong protection money sa mga colorum driver at operator
Sa mahigit apatnaputng colorum van at auv na na gumagamit sa illegal terminal ni bacalso dalawa lamang ang nahuli kanina ng IACT.