KALABOSO | Lalaking nangholdap, arestado sa follow up operation

Manila, Philippines – Labis ang panghihinayang ng isang dating security guard nang mahuli siya sa follow up operation matapos mangholdap ng taxi driver para may pang-inom ng alak sa Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinara ng lasing na suspek na si Reno Baylosis, 49-anyos sa tapat ng isang mall sa Novaliches ang taxi na minamaneho ni Ismael Robles.

Pagdating sa Quirino highway, tinutukan ng baril ng suspek ang driver at nagdeklara ng holdap.


Humingi ang suspek ng halagang limang daang piso para pambili ng alak na agad ding binigay ng biktima.

Nang magpababa ang suspek sa isang subdivision sa Barangay Kaligayahan, sinundan siya ng biktima at saka na tumawag ng mga pulis kaya ito agad nahuli.

Facebook Comments