Rizal – Bugbog sarado ang isang lalaki matapos itong manggahasa ng isang 17-anyos na dalagita sa San Mateo, Rizal.
Kinilala ang suspek na si Marco Maladaga, 28-anyos at isang kunduktor ng pampasaherong jeep.
Sa ulat, hinabol at nagtangka pang tumakas ang suspek pero nakorner ito sa Barangay Ampid kung saan dito na siya binugbog at pinagpapalo ng mga residente at nahinto lamang ito ng mamagitan ang kapitan ng barangay.
Positibo ring itinuro ng biktima si Maladaga na nanghalay sa kanya pero mariin naman itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing ang kasamang si Marcelo Uliabe na kapatid raw ng kasintahan ng dalaga ang siyang gumahasa sa kaniya.
Patuloy naman pinaghahanap ng mga otoridad si Uliabe habang nakakulong na ngayon ang suspek na si Maladaga.