KALABOSO | Mag-live in partner, arestado sa iligal na droga sa Davao City

Davao City – Arestado ang isang mag-live in partner sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Davao City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jeffer Paul Fernandez at Genieveve Tecson.

Nakuha mula sa kanila ang apat na sachet ng shabu at dalawang pakete ng marijuana sa loob ng kanilang nirerentahang kuwarto sa Barangay Calinan.


Mariing itinanggi ng dalawa ang mga paratang sa kanila kung saan kanilang iginiit na inilagay lamang ng mga pulis sa likod ng kanilang pintuan ang mga iligal na droga bago isinagawa ang raid.

Facebook Comments