KALABOSO | Magkasintahan na modus ang manalisi, arestado!

6

Quezon City – Arestado ang magkasintahan matapos tangayin ang cellphone ng isang customer ng fast food chain sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek sina Nilson Daza at Virginia Pobre, na umamin sa krimeng pagnanakaw ng cellphone.

Batay sa kuha ng CCTV, pasimpleng kinuha ng dalawang suspek ang naiwang cellphone ng isang babaeng paalis sa counter ng fast food chain.

Pero dahil nahagip ang mga mukha ng dalawa sa CCTV ay natunton din sila kalaunan.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 11 Chief Supt. Carlito Mantala, modus ng mga suspek na magpanggap na kostumer para makapagnakaw.

Inaalam na ng QCPD kung may iba pang nabiktima ang dalawang nahuli.

Facebook Comments