Manila, Philippines – Dinakip ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police ang mahigit 400 indibidwal na sangkot sa online scam.
Kung saan 8 sa mga naaresto ay Israeli habang 474 naman dito ay mga Pilipino.
Sinabi ni ACG Chief Supt. Marni Marcos Jr, naaresto ang mga suspek kahapon ng umaga sa Clark Free Zone Pampanga.
Nagresulta ang operasyon matapos na magreklamo ang 4 na Australian victims na biktima.
Ang mga naarestong indibidwal ay nagpapatakbo ng International Branding Development Marketing Inc sa Clark Pampanga.
Kwento ng isa sa mga biktima na humarap sa Camp Crame, pinapaniwala sya sa na bitcoin ang kanyang papasukin at tutubo ng malaki ang kanyang investment na 107,000 Australian Dollars.
Pinag-download daw sya ng form na kanyang sinagutan na ginamit din kinalaunan para ma-access ang kanyang personal information.
Dito na nawalan ng kontrol ang biktima sa kanyang account dahil gumagamit pala ng team viewer na application ang mga suspek.
Sa ikinasang operation ng ACG, naaktuhan ang mga suspek na nakikipag-transakyon online sa kanilang mga kliyente sa Europe, New Zealand, Australia, Africa at Russia.
Narekober din sa kanila ang mga digital evidence na naglalaman ng kanilang transaksyon.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa syndicated estafa.
Sa ngayon nakikipa ugnayan na rin ang PNP sa Bureau of Immigration para alamin kung paano nakapasok sa bansa ang walong mga bandyaga.