KALABOSO | Mahigit P24-M shabu timbog sa ronda ng PDEA sa Dumaguete

Dumaguete – Timbog sa ronda ng Provincial Drugs Enforcement Unit ng Negros Oriental Provincial Police Office at PDEA ang isang lalaki na tulak umano ng droga alas 6:00 kaninang umaga sa Barangay Bajumpandan, Dumaguete.

Nakunan ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu na katumbas sa halagang mahigit 24 milyon pesos ang suspek na si Janmark Abadilla na nakarenta umano ng bahay sa nasabing barangay.

Nakuha din ng pulisya ang cash money na nagkakahalagang P113,290, dalawang cellphones, ibang illegal drug paraphernalias at isang unit ng cal. 38 revolver na baril.


Nasa custody na ng PNP ang suspek na haharap ngayon sa patung-patong na kaso.

Facebook Comments