KALABOSO | Mga iligal na baril, nakumpiska sa surprise inspection sa Zamboanga del Sur Provincial Jail

Zamboanga del Sur – Matataas na kalibre ng mga armas ang nasabat sa surprise inspection ng pulisya* sa Zamboanga del Sur Provincial Jail sa Pagadian City.*
*Ayon kay Senior Superintendent John Guyguyon, Hepe ng Zamboanga Del Sur Police, animnapu’t siyam na bilanggo ang nahulihan nila ng armas na mas mataas pa kaysa sa mga armas ng mga gwardiya.*

Bukod pa dito, ilang mga preso rin na dapat nasa maximum security detention ang nasa main jail.

Isinagawa ng pulisya ang surprise inspection matapos makatanggap tip na palihim na pinapayagan ang mga preso na lumabas ng bilangguan.


Facebook Comments