KALABOSO | Mga naglalaro ng tong-its, arestado sa Marikina City

Marikina City – Dinakip ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang tatlong lalaki kasama ang isang babae sa Road 1, Tuazon Ville, Manggahan Compound, Tañong, Marikina City dahil sa pagsusugal sa kalsada.

Kinilala ang mga naarestong mga sugarol na sina Rheagan Aguilar, Jimmy Juano, Lyndon Lim at Rhoda Acampado na naaktuhang naglalaro ng tong-its.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya alas 5:05 ng hapon kahapon nang maaresto ang mga suspek habang nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminiality Law Enforcement Operation o SACLEO ang mga pulis.


Narekober sa mga ito ang isang set ng baraha, isang piraso ng P100, isang piraso ng bente pesos na papel P20 at isang lalagyan na may mga barya.

Sa kasalukuyan, ay nasa kustodiya ng Marikina PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling ang mga suspek.

Facebook Comments