KALABOSO | Nagpanggap na MMDA traffic enforcer na nangongotong sa QC, arestado

Manila, Philippines – Sa kulungan humantong ang pagpapanggap ng 40 anyos na si Reynante Pascasio bilang MMDA officer.

Matapos na subaybayan dahil sa gawaing pangongotong sa mga motorista ,nasakote ito ng mga operatiba ng QCPD station 11 sa Palanza st corner Araneta Ave. sa Barangy. Santol QC

Nakasuot pa ng MMDA uniform, helmet, holster at may blinker pa ang motorsiklong gamit ni Pascasio nang maaresto ng QCPD.


Mismong itinanggi ni MMDA traffic operation 3 Officer Elpidio Tañeca jr na tauhan nila si Pascasio

Maging ang uniporme at ang motorsiklong ginagamit nito sa pangongotong ay iba sa official vehicle at uniporme na gamit ng mga traffic enforcer.

sasampahan ng MMDA ng patung-patong na kaso si Pascasio Kabilang na ang paglabag sa Article 177 o usurpation of authority, article 179 o illegal use of uniform and insignia at p.d. 96 o unlawful use of sirens, bells, horns, whistles.

Facebook Comments