KALABOSO | Negosyanteng hindi ibinalik ang sasakyan ng kumpare, arestado

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante matapos ireklamo dahil sa hindi niya pagsauli sa hiniram na kotse.

Ayon sa biktimang si Ronaldo Locito, pinahiram niya ang kaniyang kotse kay Crispo Basarte para maisangla dahil nalulugi na ang kaniyang negosyo.

Pero inabot na aniya ng isang taon sa suspek ang kaniyang kotse at hindi na niya ito mahagilap kaya nagsapa na siya ng kaso laban dito.


Mariing namang itinanggi ni Basarte na niloko niya ang kaibigan at humingi ng pagkakataong malinis ang kaniyang pangalan.

Kinumpirma naman ni Dennis Siyhan, pinuno ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division, may iba pang warrant laban sa suspek.

Facebook Comments