KALABOSO | Number 1 Most Wanted Person sa Muntinlupa – arestado ng SPD

51

Muntinlupa City, Philippines – Naaresto na ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang Number 1 Most Wanted Person sa Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Dennis Cruz alyas “Tusok” na matagal nang tinutugis ng pulisya dahil sa pagiging high value target sa kasong may kinalaman sa illegal drugs.

Naaresto si Cruz sa East Service Road sa Barangay Alabang.

Narekober sa kanya ang dalawang sachet ng limampung gramo ng shabu.

Agad din naman siyang isinailalim sa inquest proceedings.

Facebook Comments