KALABOSO | Number 10 most wanted ng Pasig, naaresto na

Pasig City – Naaresto na ng mga otoridad ang number 10 most wanted sa Asuncion Compound Barangay San Miguel, Pasig City.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig City RTC Branch 155 ang suspek na si Carl Ryan Valencia alyas Cocoy, 20-anyos.

Si Valencia ay wanted sa kasong frustrated homicide at ang arrest warrant laban sa kaniya ay lumabas noong buwan ng Hunyo.


Nakakulong ngayon ang suspek sa temporary custodial facility ng Pasig City Police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Facebook Comments