Manila, Philippines – Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Guadalupe, Makati City ang Korean national na nakatangay ng 42.2 million won sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ay isang journalist.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, agad din nilang ipade-deport ang trenta y nuwebe anyos na si Yun Jong Sik.
Kinumpirma naman ni Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, na si Yun ay may apat na arrest warrants na inisyu ng mga korte sa South Korea.
Kabilang aniya sa mga natangayan ni Yun ng malaking pera ang dalawang Koryana kung saan nagpakilala itong journalist na nagtapos sa isang sikat na unibersidad sa Amerika.
Si Yun ay nakakulong na ngayon sa Immigration Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Facebook Comments