KALABOSO | Pulis at dalawang iba pa, huli sa buy bust sa Mabalacat City, Pampanga

Pampanga – Arestado ang tatlong tao kabilang na ang isang pulis sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Mabalacat City Pampanga.

Sa report mula sa Mabalacat Police kinilala ang mga nadakip na sina PO1 Kevin Pierre Dela Cruz Apostol, alias Apo, 29, single, active member of the PNP intelligence branch of Arayat municipal station at residente ng San Francisco Mabalacat City; Angel Lacson Pabilona, alias Bench, 39; at Donato De Guzman Felipe, alias Dondon, 22, single, kapwa nakatira sa Pineda Subdivision, Barangay Dau Mabalacat City.

Nakuha sa kanila ang siyam na plastic sachets ng shabu, 500 peso bill marked money, dalawang klase ng baril at mga bala.


Kasong paglabag sa sections 5 and 11 article 2 ng ra 9165 ang ikinaso sa mga nadakip.

Facebook Comments