Aklan – Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na may-ari ng isang resort sa Boracay sa Aklan.
Kinilala ng BI ang 52-anyos na Amerikano na si Randall Lee Parker.
Nahuli si Parker ng Immigration Intelligence Operatives sa loob ng Artienda sa Station 2 o ang dating Crown Beach Hotel sa Boracay.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, walang kaukulang visa si Parker at wala ring work permit.
Isasailalim ngayon si Parker sa deportation proceedings dahil sa iligal na pagtatrabaho nito sa bansa.
Facebook Comments