KALABOSO | Sales lady, huli sa tangkang pagpuslit ng mga beauty products sa isang mall sa Makati

Makati City – Kalaboso ang isang 25-anyos na saleslady sa isang mall matapos na magtangkang magpuslit ng ilang items sa Makati City.

Nakilala ang suspek na si Regine Comador.

Sa ulat, inireklamo ang suspek ng security guard ng pinapasukang personal care store matapos mahuling tangkain ilabas ang mga produktong kaniyang ibinebenta.


Dalawang cosmetic products ang nakuha sa kanyang bag na nagkakahalaga ng P476.00.

Aminado si Comador sa nagawang krimen at todo hingi ito ng tawad sa kaniyang manager pero desidido ang kumpaniya na sampahan siya ng kaukulang kaso.

Facebook Comments