KALABOSO | SK Chairman, arestado sa buy bust operation sa Tanay Rizal

Rizal – Dinakip ng mga tauhan ng PNP Rizal Police Provincial Office ang isang Sangguniang Kabataan Chairman sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Tanay Rizal kahapon ng hapon.

Kinilala itong si Arvien Kenneth Aguirre alyas “Kenneth”, 22 anyos, nanalong SK Chairman sa Brgy. Mag-Ampon, Tanay, Rizal.

Ayon kay Rizal Provincial Director Police Senior Superintendent Lou Frias Evangelista alas-6:15 ng hapon kahapon nang isagawa ang buy-bust operation.


Nakuha sa suspek ang isang transparent sachet na naglalaman ng marijuana leaves at buy bust money.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Tanay Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban dito.

Facebook Comments