KALABOSO | Suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa Binondo, Maynila, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang suspek sa tangkang pagpatay sa isang Barangay Chairman sa Binondo, Maynila.

Sa ulat, nadakip ng mga pulis ang suspek na si Bong Boquel habang nakatambay ito sa tapat ng baragay hall kung saan siya ang itinuturong nagtakang pumatay kay Adora Yusero na chairman ng Barangay 270.

Kagagaling pa lamang sa oath taking ni Yusero nang pagbabarilin sa tapat ng kaniyang bahay at maswerte naman itong nakaligtas.


Hinala ng pulisya na ang motibo sa krimen ay ang hindi pagpayag ng kapitana na maglabas ng permit para sa isang parking business sa kaniyang lugar kaya at ipinapapatay ito ng suspek.

Facebook Comments