Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan Bureau of Immigration ang isang Most Wanted Criminal ng Taiwan dahil sa kasong pagpatay, pagchop-chop at pagtapon sa ilog sa katawan ng isang Canadian teacher.
Nakilala ang dayuhan na suspek na si Oren Shlomo Mayer 37 anyos nakakulong ngayon sa BI Detention Center sa Bicutan matapos itong maaresto noong Setyembre 6 sa Cainta Rizak ng mga ahente ng Bureau’s Fugitive Searvh Unit at PNP, Intelligence Group, National Capital Region
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente nakatakdang ideport sa Taiwan si Mayer upang harapin ang kanyang kasong Homicide kaugnay sa pagpatay sa 43 anyos na Canadian Teacher na si Sanjay Ryan Ramgahan noong August 21.
Si Mayer ay mayroon pending Felony Warrant mula Taiwan New Taipe District na inisyu noong Agosto 24.
Lumipad ito patungong Pilipinas noong Agosto 25,apat na araw matapos masangkot sa pagpatay kay Ramgahan habang ito ay naglalakad sa River Park malapit sa Zhongzheng Bridge sa Taipei’s City Yonghe District.
Ayon naman kay BI Intelligence Officer at FSU Chief Bobby Raquepo si Mayer ay hinihinalang pinakamalaking supplier ng marijuana sa Northern Taiwan bukod kay Mayer may dalawa pa umano itong kasabwat sa pagpatay kay Ramgahan.