KALABOSO | Tatlo, arestado sa buy-bust operation sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong tao kabilang ang 16-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Aurora Boulevard corner Stanford, Barangay E.Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas michael 16 yrs old, Mark Joseph Hernandez 25, at Jerome Casquejo kapwa residente ng Cubao.

Ayon sa QCPD Station 7, agad inaresto ang tatlong suspek matapos maiabot ang P500 na marked money.


Anila, mga estudyante ang karamihan sa parokyano ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang 250 gramo ng marijuana na nakalagay sa ziplock na plastic at may street value na P30,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 at 5 ng R.A 9165.

Facebook Comments