Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station – 3 ang tatlong katao matapos na magsagawa ng anti-criminality campaign and visibility patrol sa Yuseco Street malapit sa kanto ng Anacleto Street Barangay 358 Zone 37 Sta. Cruz, Maynila.
Nakilala ang mga suspek na sina, Edna Lacerna 45-anyos, Jayson Doque 20-anyos at Edward 18-anyos at residente ng 724 Camba Street Binondo, Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagsagawa ng anti-criminality operations ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 3 dahil sa reklamo ng mga residente na nag-iingay ang mga suspek at nang puntahan ng mga pulis ay nakumpiskahan ng 3 pirasong plastic sachet.
Facebook Comments