KALABOSO | Tatlong magpi-pinsan, arestado matapos mambugbog ng isang estudyante sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong mag-pipinsan matapos kuyugin at pagtulungang bugbugin ang isang college student sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Jhune Ylinon, Florante Ylinon at Arce Ylinon.

Sa ulat, bigla na lamang sinugod at binugbog ng mga suspek ang biktimang si Johans Louis Chan sa hindi pa malamang dahilan habang naglalakad ito pauwi.


Mabilis naman nakares­ponde ang mga pulis at nadakip ang mga suspek na umaming nagawa lamang mang-trip dahil sa kalasingan.

Facebook Comments