Kalagayan ng Cotabato City nakadepende sa desisyon ng PRRD?

Igagalang namin kung ano man ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang inihayag ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Ebrahim kaugnay sa usapin kung kelan nga ba opisyal na maituturn over sa BARMM ang Cotabato City.

Ang pahayag ni Chief Minister Ebrahim ay matapos ang ginawang pagpupulong ni Presidente Duterte sa mga opisyales ng BARMM kasama ang mga Gobernador ng ibat ibang lalawigan ng rehiyon, mga Cabinet Secretaries at Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi.

Sinasabing nakapagpasa ng possession letter si Mayor Cynthia sa Presidente para ipagpaliban muna ang turn over ng syudad sa BARMM Government. Sinasabing hanggang Decemeber 2020 ang naging kahilingan ng City Government kay PRRD para sa gagawing transition at para mapag -aralan rin ng maayos ang magiging kalagayan ng syudad sakaling mapapasailalim sa BARMM ayon kay Chief Minister Ebrahim.


Kaugnay nito, nagpaabot rin ng possession letter ang BARMM Government kay PRRD at kabilang sa nilalaman nito ay igalang sana ang naging resulta ng isinagawang plebesito, kung saan nanalo ang YES o ang pagpapasailalim ng Cotabato City sa BARMM.

Matatandaang noong nakaraang taon ay pormal na ring naiturn over sa BARMM ang 63 na barangay mula North Cotabato.

Samantala , nanawagan naman si Chief Minister Ebrahim sa publiko lalo na sa mga Netizens o gumagamit ng Social Media na maging responsable sa pagpost ng kanilang saloobin kaugnay sa nasabing usapin. Huwag na rin aniyang pagsabungin ang BARMM Government at City Government giit pa ni CM Ebrahim.

Kaugnay nito, nagpapatuloy aniya ang pagsisikap ng BARMM Government para maipaabot ang kanilang mga program at serbisyo sa Bangsamoro.
CCTO PIC

Facebook Comments